Life is Green
Doon sa Senado

Doon sa apat na sulok ng arena, nagkalabo-labo na naman… Isang malaking palatuntunan ang nagaganap..

Panigurado ay kasalukuyan mong pinapanood sa telebisyon, naririnig sa radyo, naririnig sa kumpulan ng mga tsimoso’t tsismosa ang latest scene sa inaabangang makasaysayang  teleserye na pinagbibidahan ng matatalinong lider ng ating bansa.

At bukas paniguradong headline na naman ang kanilang mga pagmumukha sa dyaryo.

Noong premiere showing nga noon, talagang inabangan ng mga tao. Bakit nga ba hindi? Eh ibang klase ang mga bida sa napakalaking palabas na ito. Walang panama ang Avengers sa lakas ng pwersa ng Administrasyong Aquino.

Lahat ng genre na gusto mong panoorin nandito na. Mapa-action, comedy, drama at horror—swak na swak ka! At kung live ka pang  nandoon ay minsan gagawin kang katawa-tawa… Parang sa comedy bar na kapag napagtripan ka eh tiyak gigisain ka.

Minsan napanood ko yung isang eksena, kung sino man yung ginisa na yun ng isang ‘bida’, talagang nagtrending ang eksenang pagtatakip ng tainga. Kawalan daw ng respeto ang ginawa niya… Hhmm…

Kung iisipin, nakakatakot nga naman na masigawan ka ng mga taong kagaya nila. Nakakatakot na maupo ka doon sa silya na nakatutok sa iyo lahat ng mata ng matatalino, matataas na tao, mga  mapanghusga, mapang-api, mapagmalinis, at mapagmarunong sa kani-kanilang sarili.

Aaminin ko may mga ‘terms and conditions’ ang hindi ko maintindihan. Pero habang pinapanood ko, lalong gumugulo ang isip ko.. Nalilito ako kung sino ba nag nagsasabi ng totoo?? Sino ba ang may tinatago?? Sino ba ang may kagagawan?? Haayy.. Isang napakalaking political conspiracy ang nagaganap sa ngayon…

Kung isa nga itong political movie tiyak panalo sa screenplay ang movie na ito. Ang ganda ng script kahit pa nga yung mga ‘matatalino’ lamang ang nakakaalam ng susunod na mangyayari. Bakit hindi??? Napakagaling kasing ‘script writer’ ang nasa likod ng nakakawindang na palabas na iyon.

Pero sa totoo lang, ang titikas ng mga bida ha! Ang tatalino ng mga utak! Ang gagandang magpaliwanag.  Ang galing mag deliver ng speech… Ang gagaling magsalita… puro na lang salita… (Palakpakan nga).

Sa Awards Night kaya sino ang mananalong Best Actor at Actress?

Isa lang ang panigurado, isa sa kanila ay nakamayan mo na noong nagdaang eleksyon at makakamayan mo muli sa susunod na taon.

Abangan.

Ka Belen
Nasaksihan ko ang bawat patak ng kanyang luha sa tindi ng kanyang tapang na harapin ang bukas.


Matapang siya sa simula pa lamang na ako’y kanyang kalingain sa kanyang sinapupunan. Sino nga ba ang hihigit na tatapang sa kagaya niya na kayang magsilang ng kanyang dugo at laman?


Ang buhay niya ay tanging alay sa kanyang pamilya na pinili niyang pagsilbihan. Ang taguri sa kanya ay Reyna ng Tahanan. Teka, may reyna ba na naglilinis ng bahay? Naglalaba? Nagluluto? Pinagpapawisan ang bawat bagay na ikasisiya ng kanyang anak?


Lumaki kami sa hirap.Nasaksihan ko ang kanyang paghihirap tuwina kami ay magugutom. Todo ang kanyang kayod, hindi napapagod. Walang kapaguran ang kagaya niya. Araw-araw ay pagbabanat ng buto ang kanyang ehersisyo. Walang duda dahil napakalakas niya.


Inaamin ko hindi siya perpektong ina, may oras na kinaiinisan ko siya. Sa bungangang taglay niya halos mabingi na ang aking tenga.


Naaalala ko noon kung gaano siya magalit sa amin. Kung ang boses nga ay sadyang nakakagalos, tiyak na tadtad na ng sugat ang katawan naming magkakapatid. Nakakarindi kasi ang kanyang boses, lalo na sa umaga. Nakakarinding boses ang gigising sa iyo dahil siya ay nagtataglay ng boses na animo batingaw na mag-uumpugan sa apat na sulok ng aming tahanan. Siya ang aming alarm clock.


Lahat kaming magkakapatid ay naranasan din ang hagupit ng isang ina. Kakaiba nga talaga ang lakas ng loob niya na kami ay paluin kahit sa harap ng aming mga kakilala. Nakakatakot magalit ang isang ina.
Ngunit kapag siya ay lumuha, tiyak maaantig ang aming mga damdamin kahit ang pinakabrusko niyang anak ay matutunawan ng yabang kapag nakita ang kanyang ina na lumuluha.


Mahirap ang buhay ngunit nakaya niyang kami ay itaguyod at ipaglaban. Pitong sanggol ang kanyang nakayanang iluwal. Pangatlo ako. Bilang babae na kanyang anak, tumulong ako sa kanyang paghihirap, nakisabay ako sa kanyang pagsagwan upang makaalpas mula sa naglalakihang alon sa aming harapan.


Hindi siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral ngunit kakaiba ang mga kaalaman na natutunan ko mula sa kanya.


Pito kaming kanyang mga anak na iba’t- iba ang katangian. May basagulero, may lasengero, may nakapag-tapos sa kolehiyo, may nakapag-abroad, at may kasalukuyang pinag-aaral. Yan ang kanyang mga anak na araw-araw ay kanyang inaalala. Pantay-pantay ang kanyang turing sa kanyang mga supling kahit kami pa ay matitigas ang ulo, pasaway ‘ika nga ng iba at may kanya-kanyang gustong tahakin sa buhay ay nandiyan lamang siya at umaagapay.


Dumating ang maraming pagsubok para sa kanya. Napakaraming sakripisyo ang kanyang ibinigay para sa amin, napakarami….ngunit hindi kailanman niya ito binilang o kailanman ay isinumbat sa aming harapan.


Minsan nga naiisip ko na magalit dahil hinayaan niya noon na mag-anak ng mag-anak. Dahil sa bansang ito kapag marami kang anak ay tanda ng kahirapan. Ngunit wala siyang pinagsisisihan na kami ay kanyang binuhay.


Naisip ko rin na mali ako. Dahil kaming kanyang mga anak ang ituturing niyang kayamanan. Na ang kahirapan ay walang sinabi sa kanya dahil ilang beses man siyang pabagsakin nito ay nakakatayo pa rin siya, taas noo.


Darating din ang panahon na ako ay magiging kagaya niya. At sa pagdating ng panahong iyon ay alam kong nandiyan pa rin siya. Magiging matatag din ako kagaya niya.


Maraming salamat mama aka Ka Belen!

oOo

 

Mt. Arayat

Mt. Arayat

Ang Una at Higit na Umiibig Sa Akin

Sa simula pa lamang ay napakaganda na ng iyong plano para sa akin. Ipinunla ako sa sinapupunan ng aking ina at taimtim mong hinintay ang siyam na buwan upang masilayan ang ganap kong kagandahan.

Ang una kong luha ay kagalakan para sa iyo. Sabik ang iyong mapagpalang mga kamay na haplusin ang munting anghel na binigyan mo ng dugo at laman. Sa tuwina ay minamasdan ang mukha kong kawangis ng sa iyo.

Una Mo akong inibig bago pa man Kita makilala. At ng Kita ay ganap na makilala ay inibig na din Kita.

Binantayan mo ako sa aking paglaki… Binigyan ng makakain at matutulugan. Binihisan ako at binigyan ng proteksyon.

Ako ay iyong inalaalayan sa aking paghakbang. Bakas nga sa iyong mukha ang pag-aalala sa tuwina ako’y madadapa at magasgasan ang tuhod kong mahina pa. Paunti-unti mong tinuro sa akin ang mga bagay na dapat kong malaman. Paunti-unti mong pinakikilala sa akin ang mundong iyong iniingatan.

Matiyagang sinubaybayan ang bawat kilos kong minsan ay walang direksyon dahil sa mga desisyon kong hindi man lamang kita kinunsulta.

Nagmayabang pa nga ako sa iyo na marami na akong natutunan.  At dumating ang panahong ako ay naghanap at nagsaliksik ng mga bagay-bagay na makakapagpaligaya sa akin. Kusa akong lumayo sa iyo at tinahak ang daan papunta sa malayo.

Labis ang iyong kalungkutan, ngunit ako’y binigyan mo pa rin ng sariling pag-iisip at kakayahang magpasya para sa aking sarili.

Naging matigas ang aking ulo at naramdaman ko ang iyong paghihigpit. Alam ko na minsan ay may pagkamahigpit ang iyong mga mapagpalang kamay.  Natakot ako sa iyo dahil alam kong kayang-kaya mong gawin ang lahat para ako ay iyong parusahan. Ngunit ikaw ay higit na nagmamahal kaya ako ay iyong agad pinatatawad kapag ako ay nagsisi at humingi ng kapatawaran.

Ako ay binibigyan mo ng mga katanungang nasa harapan ko lamang ang mga kasagutan. Minsan ay binibigyan mo ako mga problema na ang solusyon ay ikaw lamang. Ilang beses akong tumalikod sa iyo Ama ngunit ang aking puso ay hinaplos mo ng buong pagmamahal.

Nagbabalik loob ako sa iyo ngayon dahil nasa iyo lahat ng mga kasagutang akala ko ay makikita ko sa iba. Maraming salamat sa iyong walang hanggang pagmamahal.

Ikaw ang Una at higit na umiibig sa akin Ama.

Ikaw ang aking umaga at gabi. Ikaw ang aking mapagmahal na Ama. Ikaw lamang at wala ng iba.

###

Isang tagay! Isang kampay!

Paulit-ulit ang paliko-likong daan. Paikot-ikot ang bawat giling ng basong umaapaw sa sobrang kaligayahan. Bawat lagok ay may kasunod agad na usok ng sigarilyong unti-unting umuupos sa katawan mong akala mo’y katawan ni superman.

 

Sabayan mo pa ng walang humpay na halakhakan. Kasama ang mga kaibigang sabik din tulad mo sa tamis na hatid ng alak na maghahatid sa inyo sa alapaap. Ang bawat kampay ay tanda ng wagas na pagkakaibigan. Sa hirap at ginhawa nandiyan sila sa iyong tabi habang kaharap ninyo ang maliit na mesa.

 

Ayos! Sabik na sabik ka na namang buksan ang bote ng kaligayahan! Sa bawat kampay ay may kalakip na tuwa at kalungkutan. May kanya-kanyang hatid na istorya ang bawat tagay. Lagi nalang may naliligaw na pakiramdam.

 

Maingay at puno ng kulay ang mga kwentuhang akala mo ay seryosong gagawin kinabukasan. Minsan pa nga ay sapawan ng kayabangan. At sasabihing ‘nagmamarunong ka na naman!’.

 

Saan nga ba papunta ang biyaheng ninanais ninyong mapuntahan?

 

Hindi ba’t parang nangyari na ang ganyang eksena? Ilang libong beses ninyo man na gawin ang kasiyahan ito ay hindi kayo nagsasawa. Lalo lamang nadaragdagan ang inyong kasabikang mainom ang ‘gamot’ sa ikatitibay ng inyong samahan.

 

Sasabihin mo pa nga na mas nakilala mo ang iyong mga kaibigan dahil sa napaka espesyal na inuman. Hhhmmm, lasing ka na nga siguro.

                                                                                              

Kelan ka kaya mauumay sa bawat patak ng serbesang umuukit sa lalamunan mong tuyot sa pakiramdam? Kelan ka kaya aayaw sa bawat tagay na ipapasa sa iyong mga kamay? 

 

Kelan ba tayo matututo?Kelan ba tayo hihinto?

Sino ba ang unang tatayo, aalis at lalayo…

Kanino ang kahulihulihang tagay at sino ang magtataas ng huling kampay?

Teka, sino ba ang matibay at maiiwang nakatayo?

Pero sino nga ba talaga ang magnanais makisabay—

At sumama sa panaginip na likha ng alak na ito?

 

***

 

By: Mary Rose B. Magcamit

121811

HUBOG

May iba’t-ibang estilo kung paano hubugin ang iyong pagkatao. Iba’t -ibang hugis ang maiisipan mong iguhit at ilarawan. Mga disenyo na nais mong iukit sa mukha mong natatakpan ng kadiliman. Ang bawat linya ay may kanya-kanyang kahulugan at tiyak na may patutunguhan. Tulad nalang ng isang sanggol, isinilang na may kabuluhan.

Simulan mo ang nais mong simulan at hayaan silang makihubog sa dikta ng iyong isipan… Iba’t- iba ang bawat layunin ng mga nagnanais makiukit sa malaya mong isipan… pipili ka na lang kung anong panulat ang nais mong gamitin, mga papel na nais mong sulatan at mga ideya na lumalabas sa lumulobo mong isipan.

Sa simula ay maaari kang maguluhan, maaari kang magkamali at magkulang… hindi mo masasabi kung sino at paano ba nangyari ang mga bagay na iyon. Maaari din na hindi ka pa sigurado sa bawat paghakbang mo. Maaaring magkamali ka ng iyong kinapitan o maaring marupok din tulad mo ang hiningan mo ng isang kamay.

Sa bawat desisyon mo nakasalalay ang pagkakahubog ng iyong buhay— na maaaring ikabago mo sa isang iglap lamang.

Maaari kang mapabilang sa hanay ng mga dakila, sumikat at mabuhay ng marangya… Sunod sa layaw ng matalino mong isipan… Masilaw sa kinang ng tagumpay…

O mas pipiliin mong iguhit ang buhay mo sa payak na pamamaraan? Ang mabuhay kasama sa lungkot at ligaya ang mga taong pinag-aalayan mo ng iyong buhay. Ang makasama ang pamilya sa munting kubo o kahit saanman na pwedeng may masilungan.

O mas gusto mo ang kumplikadong paglalakbay? Paiba-iba ang kulay, paiba-iba ang hugis ,paiba-iba ang disenyo at paiba-iba ang linya na nais mong gamitin upang maipahayag ang sarili mong laging lutang sa kawalan.

Hahayaan mo na lamang ba na malugmok sa kumukulong putik ang mga paa mong kaya pang kumilos at humakbang?

Ang realidad ay sumasalamin sa kalsadang iyong dinadaanan.

Simple lamang kung iisipin ang mabuhay. Ngunit sa ating paglalakbay maiiba na ang ating pananaw. Iba’t-iba ang emosyon na bigla na lamang aapaw sa dibdib mong akala mo noon ay di pwedeng masaktan. Masaya ang mabuhay. Napakasaya talaga! Ngunit marami ang hindi makuntento sa maraming bagay. Marami ang naghahangad, marami ang nagnanais lumaban.

Ngunit tandaan: Ang lahat ay may katapusan.

Mapapagod din tayo at darating ang panahon na buburahin NIYA ang buhay mong pinagpilitan mong idisenyo—na sa bandang huli ay pantay-pantay lamang pala ang ating kulay, pare-pareho ang ating disenyo, pare-pareho ang linya.

Dalawa lamang kasi ang ating patutunguhan… At ang hahatol sa atin ay SIYA lamang ang nakakaalam kung saan tayo nababagay. Kaya tanungin mo ang iyong sarili: Saan nga ba ako nababagay?

http://definitelyfilipino.com/blog/2011/10/01/hubog/

pinoytumblr:

Aquino-Cojuangco: “Facts They Don’t Want You to Know”

A viral animated video by Filipino artist Baron Buchokoy is already making its way around the Internet. The 15-minute piece gives a brief overview of the Aquino-Cojuangco’s family tree and their rise and stay in power.

The video comes in 4 parts:
I : Cojuangco Wealth - how the Cojuangcos aquired their fortune
II: Hacienda Luisita - the aquiring and conditions behind the land
III: Killing Spree - the killings related to the Hacienda
IV: Aquino-Cojuangco Forever - how local media portrays the family

According to Baron Buchokoy, the video was not meant to be anti Aquino-Cojuangco and that its only aim is to show the other side of the political clan that is often muted in local media. He says the video’s purpose is to educate the dumbed-down, ordinary Filipino citizen.

Disclaimer: Though several sources have been cited within the video, viewers are still recommended to check all the facts first.

Three things it is best to avoid: a strange dog, a flood, and a man who thinks he is wise. —Welsh proverb
Whatttttaaa!!

What is the hardest part of making a decision? It is when you can’t decide what to choose.

What is the hardest part of making a mistake? It is when you pick a wrong decision.

What is the hardest part of making someone happy? It is when you, yourself is not happy.

What is the hardest part in saying goodbye? It is when you still want to stay.

What is the hardest part of telling the truth? It is when no one believes in you.

What is the hardest part of keeping a relationship? It is when no love involves.

What is the hardest part of keep on trying? It is when you want to quit.

What is the hardest part of being angry? It is when you cannot have a peace of mind.

What is the hardest part of being alone? It is when you need someone, you cannot have one.

What is the best part of happiness?  It is when it was shared.

What is the best part of having friends? It is when you can share your laughter and tears.

What is the best part of having a family? It is when you have your way back home.

What is the best part of having life? It is when you accept God in your life.

What is the best part of being married? It is when you keep on loving and accepting each other despite of misunderstanding and differences. 

Sit…Relax…Think…
Where your focus goes, there’s where your energy flows.