December 2011
2 posts
Isang tagay! Isang kampay!
Paulit-ulit ang paliko-likong daan. Paikot-ikot ang bawat giling ng basong umaapaw sa sobrang kaligayahan. Bawat lagok ay may kasunod agad na usok ng sigarilyong unti-unting umuupos sa katawan mong akala mo’y katawan ni superman.
Sabayan mo pa ng walang humpay na halakhakan. Kasama ang mga kaibigang sabik din tulad mo sa tamis na hatid ng alak na maghahatid sa inyo sa alapaap. Ang bawat...
HUBOG
May iba’t-ibang estilo kung paano hubugin ang iyong pagkatao. Iba’t -ibang hugis ang maiisipan mong iguhit at ilarawan. Mga disenyo na nais mong iukit sa mukha mong natatakpan ng kadiliman. Ang bawat linya ay may kanya-kanyang kahulugan at tiyak na may patutunguhan. Tulad nalang ng isang sanggol, isinilang na may kabuluhan.
Simulan mo ang nais mong simulan at hayaan silang makihubog sa dikta ng...